RAMA AT SITA
( EPIKO NG MGA HINDU)
Sa gubat tumira sina
Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha.
Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni
Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”,
sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na
ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si
Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.Sa galit ay
bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero
mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay
Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan. “Sige patayin mo
siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at
nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “ Sino ang may gawa nito?”,
sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si
Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita
siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa
ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng
isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,”
sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman
si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang
sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina
Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “ Kakampi
nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa. “Kailangan umisip tayo ng
paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina Rama.”
Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw
nila si Sita. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si
Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan
para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka
higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang
asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si
Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig
ng usa ang sinabi ni Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “
Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
Matagal na
naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni
Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. « Hindi, kailangan kitang
bantayan,”sabi nito.Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang
nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw
pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto mong
mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.”sabi nitokay Lakshamanan.
Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya
ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na
sa labas ay naghihintay si Ravana. Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa
at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang
matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya
ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana.“ bibigyang kita ng
limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana.
Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga! Itinulak ni Sita si
Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang
mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may
malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang
magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at
Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.Nagdasal
siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni
Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang
agila at duguan itong bumagsak sa lupa. Pabalik na sina Rama at
Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana
ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid
ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari
ng mga higante sa Lanka.Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian
ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo
ang lahat ng kayamanan.”,Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si
Sita. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin
ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay
pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama
si Ravana at silang dalawa ang naglaban. Matagal na naglaban sina Rama
at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas
ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno.
Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at
muling nagsama nang maligaya.
https://m.facebook.com/notes/msjhen-pitoy/rama-at-sita-isang-kabanata-epiko-hindu-india-isinalin-sa-filipino-ni-rene-o-vil/919071248120515/
lehiya sa Kamatayan ng Aking Kapatid
Hindi pa panahon!
Sa gulang na dalawampu't isa, na punong-puno ng buhay.
Malungkot niyang paglalakbay, ngayo'y hindi na matanaw.
Panganay na anak, taglay ang hindi na mabilang na pangarap.
Sa gitna ng di natupad na pangarap at di naipadamang pag-ibig.
Natapos na ang burol.
Sa gitna ng makulimlim na panahon.
Paniwalaa't dili, may pagkabagabag at panghihinayang.
Ano ang tanging naiwan
Nakakuwadradong mga larawang-guhit, poster at kinunang larawan.
Aklat, talaarawan at mga damit.
Wala nang dapat pang ayusin,
Isang ulilang teheras.
Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na kapalaran.
Ang maamong mukha, ang malamyos na tinig.
Ang matinis na halakhak,
Mga ligayang di-malilimot.
Patuloy ang pagdarasal
Kasama ang pagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang walang hanggang pagpapahinga
Mula sa di mabilang na mga taon ng paghihirap
Sa pagtuklas ng karunungan naging mailap,
Sa paghanap ng magbibigay-katuparan sa pinakamimithing edukasyon,
Luha'y natuyo, lakas ay pumanaw.
Ano ang kinahantungan
Ang hiram na buhay, tuluyang nawala!
Pema, ang imortal na pangalan.
Mula sa nilisang nangungulilang tahanan
Walang naiwan, ni imahe, ni anino, ni katawan!
Balana'y nagluksa at nagsisiyukod,
Maging pananim ay kumakaway ng pamamaalam, ang tag-araw tahimik na tumatangis.
Ganoon din ang lahat ng nag-alay ng dakilang pagmamahal,
Ang isang anak ng aking ina, kailanma'y hindi na masisilayan pa
Ang katuparan ng minimithing pangarap!
http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/12/elihiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid.html
KUNG
TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN
Amado V.
Hernandez
Lumuha
ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang
kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang
bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati
wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito
ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo
ng Agosto nang saklutin ang Maynila,
Lumuha
ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa
libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad
mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad
mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang
lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy,
kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!
Iluha
mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na
sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang
lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang
lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan
mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan
mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
Lumuha
ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung
ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung
ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung
ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung
wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha
ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
May
araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May
araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang
dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang
ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw
kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At
ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!