Repleksyon para sa ikawalong linggo ng aming talakayan
Ngayong buong linggo tinalakay namin ang mga sumusunod kung saan natutunan namin ng buong husay.
Pagpapasidhi ng Damdamin.Ang Papapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito.Halimbawa nito ay paghanga , pasinta , pagliyag , pagmamahal.
Pagpapasidhi ng Damdamin.Ang Papapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito.Halimbawa nito ay paghanga , pasinta , pagliyag , pagmamahal.
Sanaysay.Ang sanaysay ay Tuluyang
kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa
isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na
pamamaraan.Mayroong tatlong elemento ang sanaysay,ito ay ang una,Paksa (Sentro ng ideya ng buong akda).Ikalawa,Tono ( Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa).At ang ikatlo ay ang Kaisipan( mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.)
Kaugnay nito ay ang Apat na uri ng Teksto ito ay ang Narativ o nagsasalaysay, Informativ o nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat,Argumentative o nagbibigay ng argumento.
Kaugnay nito ay ang Apat na uri ng Teksto ito ay ang Narativ o nagsasalaysay, Informativ o nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat,Argumentative o nagbibigay ng argumento.
Pamaksang Pangungusap
.Ang Pamaksang Pangungusap ay nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang
pag-unawa sa talata.Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap
na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.Halimbawa :Tayo ngayon ay nalalagay sa gitna ng krisis pampolitika at ang Patulong na Pangungusap.Ang Pantulong na Pangungusap ay ang mga pangungusap na nagbibigay paliwanag o detalye sa pamaksang pangungusap .Halimbawa:Ang ating mambabatas aynasasangkot sa katiwalian.Paraan ng pagbuo ng Pantulong na pangungusap:
> Paggamit ng impormasyong maaaring mapatotohanan.
> Paggamit ng estadistika o survey.
>Paggamit ng halimbawa.
pagkatapo si Gng. mixto ay nagbigay ng pagsasanay para sa huling markahan para sa ikatlo.Dito magkakaroon n basehan si Gng .Mixto dito malalaman niya kung may natutunanan ba ang 9-antimony mula sa kanya..
pagkatapo si Gng. mixto ay nagbigay ng pagsasanay para sa huling markahan para sa ikatlo.Dito magkakaroon n basehan si Gng .Mixto dito malalaman niya kung may natutunanan ba ang 9-antimony mula sa kanya..
Ika-pitong Linggo: Pagababalik-ara
Sa Linggong ito wala si Gng. Mixto. Bilang kapalit, Si Bb. Basbas ang nagturo sa amin. Nagbalik aral kami sa ilang mga aralin at tinalakay namin ang tungkol sa Pagpapasidhi ng damdamin.
Binigyan kamin ni Bb. Basbas ng ilang halimbawa tungkol sa paksang
nabanggit katulad na lamang ng (Inis, asar, galit, at poot). Ang
pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o
emosyon sa paraang pagpapataas ng antas nito.
Gumawa din kami ng isang elehiya sa pagkamatay kunwari ng aming kaibigang sundalo.
Repleksyon para sa ika-amin na linggo ng aming talakayan
Kaugnay nito tinalakay din namin ang pagkakaiba ng Elehiya,Dalit at Oda.Natuklasan ko na may ibat iba palang uri ng tula at ilan sa mga ito ay ang sumusunod.Ang Elehiya ay tulang liriko naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay .Ang Dalit naman ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig sa bawat taludtud sa bawat saknong at may isahang tugmaan at ang Oda ay pandamdamin na pumupuri sa isang dakilang gawain ng tao.
Repleksyon para sa ika-limang linggo ng aming talakayan
Ngayong ay ang ika-limang linggo ng aming tinalakay sa Asignaturang Flipino .Para
sa linggong ito,aming muling tinalakay ang Parabula ng Banga upang mas lalong
mabigyang linaw ang bawat isa lalo na yung mga wala ng araw na tinalakay
ito.Nagkaroon din kami ng pagsusulit patungkol sa Metaporikal. Ang Metaporikal
ay ang pagbibigay ng kahulugan maliban sa literal nitong kahulugan ..Bilang
Indibidwal naming Gawain,kinakailangan naming lumikha ng sariling parabula
patungkol sa mga kagamitan sa paaralan partikular na sa mga estudyante .
Kaugnay nito,aming tinalakay ang Elehiya sa kamatayan ng aking kapatid na isinalin sa Filipino ni Teresita F. Laxima.Ito ay patungkol sa kanyang kuya na namatay dahil sa sakit na dapat sana’y hindi pa mangyayari dahil hindi pa panahon,marami pa itong panagarap na kailangang gawin at pagmamahal na hindi pa naipapadama sa kanya ngunit kailanman ay hindi na matutupad at mangyayari. Kaya’t aking natutunan sa Elehiyang ito na kug may nais kang iparamdam sa iyong mga mahal sa buhay ay iparamdam o gawin muna dahil hindi natin alam kung ano ba ang mga susunod na mangyayari .
Kaugnay nito,aming tinalakay ang Elehiya sa kamatayan ng aking kapatid na isinalin sa Filipino ni Teresita F. Laxima.Ito ay patungkol sa kanyang kuya na namatay dahil sa sakit na dapat sana’y hindi pa mangyayari dahil hindi pa panahon,marami pa itong panagarap na kailangang gawin at pagmamahal na hindi pa naipapadama sa kanya ngunit kailanman ay hindi na matutupad at mangyayari. Kaya’t aking natutunan sa Elehiyang ito na kug may nais kang iparamdam sa iyong mga mahal sa buhay ay iparamdam o gawin muna dahil hindi natin alam kung ano ba ang mga susunod na mangyayari .
Repleksyon para sa ika-apat ng linggo ng Ikatlong Markahan
IKATLONG LINGGONG:PAGBABALIK -ARAL
Ngayong linggo dumako kami sa panibagong aralin. Unang ipinahanap sa amin
ang parabulang "Ang Talinghaga Tungkol sa
May-Ari ng Ubasan”
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) . Ang parabulang ito ay tumatalakay sa isang may-ari ng ubasan na kumuha ng mga manggagawa sa iba't-ibang oras at binayaran sila ng pantay-pantay na siyang ikinagalit ng ilang naunang nagtrabaho. Bago namin tuluyan itong talakayin amin munang inalam ang kaligirang pangkasaysayan ng parabula. Aking natutunan na ang mga parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin? Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao. Amin ding binigyang kahulugan ayon sa literal, simbolo, at espiritwal ang ilang salitang upang mas lalo naming maunawaan ang parabulang binasa, at mabigyang gabay kami sa pagbibigay kahulugan sa susunod pang mga parabula.
IKALAWANGLINGGONG:PAGBABALIK -ARAL
PAGHAHAMBING.
Ngayong
Linggong ito ay wala si Gng. Mixto para kami ay turuan. Bilang kapalit
ay si Bb. Basbas ang nagturo sa amin, Sa kasamaang palad ay masakit ang
lalamunan ni Bb. Basbas kaya't si Trixie, aking kaklase, ang naging
katuwang ni Bb.Basbas para turuan kami.
Pinag-aralan namin ang Paghahambing.
Malalaman natin kung ano ang pinagka-iba at pinagka-parehas ng dalawang
bagay,tao,hayop o kung ano pa man.Kadalasan inihahambing ang katangian
ng dalawang magkaibang bagay. Ito'y ginagamitan ng mga salitang
panghambing katulad na lamang ng wangis/kawangis, hawig/kahawig, gaya,
tulad, mukha/kamukha, sing, magkasing, kasing. Ang mga salitang
nabanggit ay nakapaloob sa Pahambing na magkatulad samantalang ang mga
salitang ginagamit naman sa Paghahambing na di magkatulad ay ang mga
higit, labis, di-hamak, di-gaano at marami pang iba.
Binigyan rin
kami ng Pagsasanay ni Bb. Basbas para alamin ang aming mga natutunan.
Kami'y pinagawa ng isang pangkatang gawain. Pinagawa rin kami ng isang
pagsasanay kung saan ay paghahambingin namin ang dating Pangulong sina
Corazon Aquino at Gloria Arroyo. Yan ang aming natapos sa loon ng isang
linggong talakayan.
Pagbabalik aral:unang linggo
Epiko (Rama at Sita)
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “ Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito. Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “ Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa. “Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
No comments:
Post a Comment