Sunday, March 15, 2015






    IKAWALONG LINGGO


                      MAGANDANG BUHAY:)


                 Hirap,pagod,at puyat ang aking sinapit ng 3 araw sa pag -aaral para sa paghahanda sa aming  nalalapit na pagsusulit na 2 araw para sa ikaapat na markahan.Ito ay ginanap nung Lunes at Martes .  Maraming nangyare sa Linggong ito lalo na sa talakayan naminsa aming asignaturang Filipino.Ngunit bago yan si Gng. Mixto ay nag iawan ng ilang katanungan mga sumusunod.


  • Paano ba maipapakita ang tunay na pagmamahal?
  • Bakitsinisimbolo ni Maria Clara ang isang katangian ng isang tunay na pilipina gayong sa nobela siya ay nilalarawan bilang mahinang babae?
  • Masasabi bang si Sisa ay isang ulirang ina at asaa?bakit?
     Pagkatapos ibigay yun nagbigay sya ng pangkatang gawain at ang napili ng aming pangkat ay ang paglika ng isang tula tungkol sa pagmamahal .Ito'y ipapakita rin namin bukas sa talakayan at unang bibigyang pansin ng lahat.Ang lahat ng ito ay may kaugnayan kay Maria Clara kung dapat nga ba syang ituring na babaing Pilipina gayung sa nobela ay siya'y mahinang babae lamang.Yun lamang po sa huling Linggo ng aming talakayan.

No comments:

Post a Comment