Wednesday, March 11, 2015






IKALIMANG LINGGO





       MAGANDANG BUHAY:)



               Ngayong linggo , tinalakay namin ang mga mahahalagang  pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra . Kung kaya’t ang bawat pangkat ay naatasan na iulat ang mga mahahalagang pangyayaring ito . Sa pangkat isa sila’y naatasan na iulat ang mga banta sa buhay ni Crisostomo . Sa pangkat dalawa naman , si Crisostomo bilang isang anak sa kanyang ama . At sa pangkat tatlo ay tungkol naman sa buhay pag-ibig ni Ibarra . At ang huli ang pangkat apat . Sila’y naatasan na iulat ang mga pangyayari mula nung dumating si Crisostomo mula sa Europa .
               Nung Martes ang pangkat tatlo at apat ang nag-ulat . At nung Miyerkules naman ay walang naganap na pag-uulat .  Sapagkat nanood kami  ng Bonifacio ang unang pangulo . Dahil ang palabas na ito ay may kaugnayan sa contest para sa Umalohokan .  Kung kaya’t nung Biyernes itinuloy na ang pag-uulat ng pangkat isa at dalawa .
              At bago matapos ang klase , ay naiwan sa amin ang katanungang “ mangingibig o biktima lamang talaga si Crisostomo ng pagkakataon ? “ . At hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ito nasasagot .

No comments:

Post a Comment