Thursday, March 5, 2015





Ikaapat na Markahan, Ikalawang Linggo ( Enero 21-23, 2015)



                        
                          MAGANDANG BUHAY:)

            Isang Linggo nanaman ang lumipas.Masyado akong napagod sa mga bagay bagay tulad ng mga gawaing pang paaralan at tahanan.Maiba tau sa Linggong ito kung napagod ako napalitan naman ito ng saya sapagkat may isang magandang balita ang dumating sa araw na ito.Tungkol naman sa mga tinalakay namin Linggong ito ay patungkol lahat sa dahilan kung bakit sinulat ni DR.JOSE P.RIZAL  ang Noli Me Tangere .Bilang isang mag aaral mas nakilala ko ng lubusan ang ating pambansang bayani sa akda niyang sinulat .Lalo akong nagkaroon ng interes na basahiun ito sapagkat may mga pangunahing dahilan sya kung bakit nya ito isinulat,isinulat nya ito para mamulat ang mga pilipino na dapat hinde tau nagpapaapi sa ating sariling bayan at wag maging sunod sunuran sa mga dayuhan ..Sinabi di ng aming guro sa Filipino na ang akdang ito ay hinde naluluma sapagkata pahanggang ngaun ay pinag aaralan sya at binabasa .Sa totoo lang noong makita ko ang babasahing ito ay tinatamad ako ngunit nang banggitin na ang mga tauhan at mga sinisimbolo nila ay nahimok ako na bsain ito at sa ganun din ay makabisado ang ilang mga pangyayari sa loob ng akda para kapag nagtanung ang aming guro ay may masasagot ako kahit papaano.Sadyang naaliw ako kahit nagsisimula palamang kami sa mga kabanatang may kinalaman sa aming pangunahng tauhan na si Crisostomo Ibarra.Sana ay mas kapanapanabik pa ang mag susunod na kabanata na aming babasahin:)Yun lamang po at maraming salamat.      

                                             Magandang Buhay!!!!!

No comments:

Post a Comment