Sunday, March 15, 2015






    IKAWALONG LINGGO


                      MAGANDANG BUHAY:)


                 Hirap,pagod,at puyat ang aking sinapit ng 3 araw sa pag -aaral para sa paghahanda sa aming  nalalapit na pagsusulit na 2 araw para sa ikaapat na markahan.Ito ay ginanap nung Lunes at Martes .  Maraming nangyare sa Linggong ito lalo na sa talakayan naminsa aming asignaturang Filipino.Ngunit bago yan si Gng. Mixto ay nag iawan ng ilang katanungan mga sumusunod.


  • Paano ba maipapakita ang tunay na pagmamahal?
  • Bakitsinisimbolo ni Maria Clara ang isang katangian ng isang tunay na pilipina gayong sa nobela siya ay nilalarawan bilang mahinang babae?
  • Masasabi bang si Sisa ay isang ulirang ina at asaa?bakit?
     Pagkatapos ibigay yun nagbigay sya ng pangkatang gawain at ang napili ng aming pangkat ay ang paglika ng isang tula tungkol sa pagmamahal .Ito'y ipapakita rin namin bukas sa talakayan at unang bibigyang pansin ng lahat.Ang lahat ng ito ay may kaugnayan kay Maria Clara kung dapat nga ba syang ituring na babaing Pilipina gayung sa nobela ay siya'y mahinang babae lamang.Yun lamang po sa huling Linggo ng aming talakayan.

Wednesday, March 11, 2015






IKALIMANG LINGGO





       MAGANDANG BUHAY:)



               Ngayong linggo , tinalakay namin ang mga mahahalagang  pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra . Kung kaya’t ang bawat pangkat ay naatasan na iulat ang mga mahahalagang pangyayaring ito . Sa pangkat isa sila’y naatasan na iulat ang mga banta sa buhay ni Crisostomo . Sa pangkat dalawa naman , si Crisostomo bilang isang anak sa kanyang ama . At sa pangkat tatlo ay tungkol naman sa buhay pag-ibig ni Ibarra . At ang huli ang pangkat apat . Sila’y naatasan na iulat ang mga pangyayari mula nung dumating si Crisostomo mula sa Europa .
               Nung Martes ang pangkat tatlo at apat ang nag-ulat . At nung Miyerkules naman ay walang naganap na pag-uulat .  Sapagkat nanood kami  ng Bonifacio ang unang pangulo . Dahil ang palabas na ito ay may kaugnayan sa contest para sa Umalohokan .  Kung kaya’t nung Biyernes itinuloy na ang pag-uulat ng pangkat isa at dalawa .
              At bago matapos ang klase , ay naiwan sa amin ang katanungang “ mangingibig o biktima lamang talaga si Crisostomo ng pagkakataon ? “ . At hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ito nasasagot .






Ikaapat na Linggo


     MAGANDANG BUHAY:)


Masaya ang buong masaya ang lahat ng naging pangyayari sa buhay ko lalo na ang mga magagandang bagay na dumating sa Linggong ito. Mula naman sa aming mga tinalakay sa Linggong ito mas binigyang pansin namin ang bawat kabanata na may kinalaman kay Crisostomo Ibarra at mga dahilan kung bakit sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.Gayun din sa Linggong ito ikina siya ng aming guro sa Filipino na si Gng .Mixto ang pagkakaroon ng isang informance kung saan nakita ang mga pangunahing tauhan na sa nobelang ito.Isa pa sa giawa namin ang pagkakaroon ng pangkatang gawain kung saan mas mapapadali ang mga gawain namin at maunawaan pa ng mas maayos ang bawat pangyayare sa loob ng nobelang ito.Kung kayat mas naingganyo ako sa mga talakayan namin sa asignaturang ito.
 

Thursday, March 5, 2015





Ikaapat na Markahan, Ikatlong Linggo ( Enero 27-30, 2015)






                           MAGANDANG  BUHAY:)

           Ikatlong Linggo na ng aking blog.Masyado akong nalulungkot sapagkat ang babaing aking lihim na hinahangaan ay wala ng isang Linggo kaya hinde ako mapalagay sapagkat nag aalala ako sa kanyang kalagayan .Alam kong okey lang sya pero labis ang aking pagkasabik:(.Sana ganun din sya kasi alam kong hinde pa nya alam ang aking nararamdaman para sa akanya ...Ganumpaman sa buong Linggong ito nagturo si Ginoong Mixto kapalit ng kanyang asawa na si Gng. Mixto .Sa Linggong ito muling binigyan pansin ang mga pangunahing tauhan para sa ikauunawa namin sa akda.Binigyang diin din ang mga sinisimbola ng bawat tauhan sa loob ng nobela kung saan hinangaan ko ng lubos ang ipinakitang angking galing pagdatring sa pagbibigay payo nya kay Crisostomo Ibarra lalo na sa mga hakbang na kanyang gagawin.Kung ako papipiliin ng paboritong tauhan sya ang aking pipiliin.





Ikaapat na Markahan, Ikalawang Linggo ( Enero 21-23, 2015)



                        
                          MAGANDANG BUHAY:)

            Isang Linggo nanaman ang lumipas.Masyado akong napagod sa mga bagay bagay tulad ng mga gawaing pang paaralan at tahanan.Maiba tau sa Linggong ito kung napagod ako napalitan naman ito ng saya sapagkat may isang magandang balita ang dumating sa araw na ito.Tungkol naman sa mga tinalakay namin Linggong ito ay patungkol lahat sa dahilan kung bakit sinulat ni DR.JOSE P.RIZAL  ang Noli Me Tangere .Bilang isang mag aaral mas nakilala ko ng lubusan ang ating pambansang bayani sa akda niyang sinulat .Lalo akong nagkaroon ng interes na basahiun ito sapagkat may mga pangunahing dahilan sya kung bakit nya ito isinulat,isinulat nya ito para mamulat ang mga pilipino na dapat hinde tau nagpapaapi sa ating sariling bayan at wag maging sunod sunuran sa mga dayuhan ..Sinabi di ng aming guro sa Filipino na ang akdang ito ay hinde naluluma sapagkata pahanggang ngaun ay pinag aaralan sya at binabasa .Sa totoo lang noong makita ko ang babasahing ito ay tinatamad ako ngunit nang banggitin na ang mga tauhan at mga sinisimbolo nila ay nahimok ako na bsain ito at sa ganun din ay makabisado ang ilang mga pangyayari sa loob ng akda para kapag nagtanung ang aming guro ay may masasagot ako kahit papaano.Sadyang naaliw ako kahit nagsisimula palamang kami sa mga kabanatang may kinalaman sa aming pangunahng tauhan na si Crisostomo Ibarra.Sana ay mas kapanapanabik pa ang mag susunod na kabanata na aming babasahin:)Yun lamang po at maraming salamat.      

                                             Magandang Buhay!!!!!




Ikaapat na Markahan, Unang Linggo (Enero 13-17, 2015)






    MAGANDANG BUHAY SA LAHAT:)


                                                  Isang Linggo nanaman ang nakalipas sadyang kaybilis ng panahon no..Kasabay din nito ang nalalapit na pagtatapos ng aking ikasiyam na baitang ,maiba tau gusto kung bigyan pansin sa Linggong ito ang mga naunang nangyare sa aming klase sa asignaturang FILIPNO .Maagang pumasok sa aming silid aralan ang aming guro na si Gng .Marvilyn B. Mixto.Ang unang linggong ito ay hindi pa gaanong abala kaming mga mag aaral ng Antimony . Ibinigay sa amin ni Gng. Mixto ang mga proyektong gagawin namin para sa markahang ito. Una itong ibinibigay ng aming guro upang mabigyan kami ng mahabang oras para mabigyan namin iyo ng pansin at panahon. .Ito  ay nakatuon hindi lamang sa kaalaman kung hindi sa mga kasanayan sa paggawa ng mga produkto. Ilan lamang sa mga ito ay ang paggawa ng movie trailer, short film, commercial at marami pang iba.. EDIWOW!Sabi ko nga sa aming klase na bago kami makapagtapos sa ikasampong taon ay malamang ay artista na kami sa dami dami na nang aming nagawang trailer at mga film na kung saan may mga kamag aral ako na mgagaling pagdating sa pag arte at pag eedit ng mga ganitong gawain.Sadya nga namang matatlino at talentado ang aming pangkat hinde sa pagmamayabang kahit maraming nagaglit sa amin hinde namin sila iniintinde para sa amin hinde kami magpapaapekto sa mga ganung bagay :) Sapat na sa amin na nagmamahalan kami at pinapahalaahan namin ang bawat isa:).Sana makayanan pa namin ang mga susunod pang mga Linggo.Yun lamang po ang mga kaganapan sa unang linggo namin.
                                                        


                                               Muli Magandang Buhay!!!!!!!!