Wednesday, January 14, 2015

                                    RAMA AT SITA  
                                ( EPIKO NG MGA HINDU)

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.  “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “ Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.  Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “ Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.  “Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi  masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.  Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!” 

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. « Hindi, kailangan kitang bantayan,”sabi nito.Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.”sabi nitokay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.  Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana.“ bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!  Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.  Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.  Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka.Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.”,Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.  Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.  Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

 https://m.facebook.com/notes/msjhen-pitoy/rama-at-sita-isang-kabanata-epiko-hindu-india-isinalin-sa-filipino-ni-rene-o-vil/919071248120515/

                                      lehiya sa Kamatayan ng Aking Kapatid

 Hindi pa panahon! 
 Sa gulang na dalawampu't isa, na punong-puno ng buhay.
Malungkot niyang paglalakbay, ngayo'y hindi na matanaw.
Panganay na anak, taglay ang hindi na mabilang na pangarap.
Sa gitna ng di natupad na pangarap at di naipadamang pag-ibig.
Natapos na ang burol.
Sa gitna ng makulimlim na panahon.
Paniwalaa't dili, may pagkabagabag at panghihinayang.

Ano ang tanging naiwan
Nakakuwadradong mga larawang-guhit, poster at kinunang larawan.
Aklat, talaarawan at mga damit.
Wala nang dapat pang ayusin,
Isang ulilang teheras.
Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na kapalaran.
Ang maamong mukha, ang malamyos na tinig.
Ang matinis na halakhak,
Mga ligayang di-malilimot.

Patuloy ang pagdarasal
Kasama ang pagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang walang hanggang pagpapahinga
Mula sa di mabilang na mga taon ng paghihirap
Sa pagtuklas ng karunungan naging mailap,
Sa paghanap ng magbibigay-katuparan sa pinakamimithing edukasyon,
Luha'y natuyo, lakas ay pumanaw.
Ano ang kinahantungan
Ang hiram na buhay, tuluyang nawala!

Pema, ang imortal na pangalan.
Mula sa nilisang nangungulilang tahanan
Walang naiwan, ni imahe, ni anino, ni katawan!
Balana'y nagluksa at nagsisiyukod,
Maging pananim ay kumakaway ng pamamaalam, ang tag-araw tahimik na tumatangis.
Ganoon din ang lahat ng nag-alay ng dakilang pagmamahal,
Ang isang anak ng aking ina, kailanma'y hindi na masisilayan pa
Ang katuparan ng minimithing pangarap!

http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/12/elihiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid.html

                    KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN 
                                           Amado V.  Hernandez
 
Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,
 
Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!
 
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
 
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
 
May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
              At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Monday, January 12, 2015

Repleksyon para sa ikawalong linggo ng aming talakayan

Ngayong buong linggo tinalakay namin ang mga sumusunod kung saan natutunan namin ng buong husay.
            Pagpapasidhi ng Damdamin.Ang Papapasidhi ng damdamin ay isang uri ng  pahayag ng saloobin o emosyon sa paraang  papataas ang antas nito.Halimbawa nito ay paghanga , pasinta , pagliyag , pagmamahal.
             Sanaysay.Ang sanaysay ay Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na pamamaraan.Mayroong tatlong elemento ang sanaysay,ito ay ang una,Paksa (Sentro ng ideya ng buong akda).Ikalawa,Tono ( Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa).At ang ikatlo ay ang  Kaisipan( mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.)
            Kaugnay nito ay ang Apat na uri ng Teksto ito ay ang 
Narativ o nagsasalaysay, Informativ o nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat,Argumentative o nagbibigay ng argumento.
           Pamaksang Pangungusap .Ang Pamaksang Pangungusap ay nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa sa talata.Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.Halimbawa :Tayo ngayon ay nalalagay sa gitna ng krisis pampolitika at ang Patulong na Pangungusap.Ang Pantulong na Pangungusap ay ang mga pangungusap na nagbibigay paliwanag o detalye sa pamaksang pangungusap .Halimbawa:Ang ating mambabatas aynasasangkot sa katiwalian.Paraan ng pagbuo ng Pantulong na pangungusap:
> Paggamit ng impormasyong maaaring mapatotohanan.
> Paggamit ng estadistika o survey.
>Paggamit ng halimbawa.
           pagkatapo si Gng. mixto ay nagbigay ng pagsasanay para sa huling markahan para sa ikatlo.Dito magkakaroon n basehan si Gng .Mixto dito malalaman niya kung may natutunanan ba ang 9-antimony mula sa kanya..
  
      Ika-pitong Linggo: Pagababalik-ara
          
              Sa Linggong ito wala si Gng. Mixto. Bilang kapalit, Si Bb. Basbas ang nagturo sa amin. Nagbalik aral kami sa ilang mga aralin at tinalakay namin ang tungkol sa Pagpapasidhi ng damdamin.
              Binigyan kamin ni Bb. Basbas ng ilang halimbawa tungkol sa paksang nabanggit katulad na lamang ng (Inis, asar, galit, at poot). Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang pagpapataas ng antas nito. 
             Gumawa din kami ng isang elehiya sa pagkamatay kunwari ng aming kaibigang sundalo.

Repleksyon para sa ika-amin na linggo ng aming talakayan

                              Ngayon ay ang ika-anim na linggo ng aming talakayan sa Asignaturang Filipino.Sa linggong ito dahil sa may inaasikasong importanteng bagay ang aming guro na si Gng.Mixto noong Miyerkules at huwebes ay nag iwan na lamang siya ng mga gawain na kinakailangan naming sagutan para sa aming mga huling tinalakay na Akda. Kasama rin sa iniwang gawain ay ang iba pang Akda na hindi pa natatalakay na sa amin ay pinapabasa muna .Noong Biyernes ay nakapagturo na sa amin si Gng.Mixto.Aming tinalakay ang mga akdang Elehiya para sa kamatayan ng aking kuya,Ang Dalit kay Maria at Kung tuyo na ang luha mo aking Bayan.
                             Kaugnay nito tinalakay din namin ang pagkakaiba ng Elehiya,Dalit at Oda.Natuklasan ko na may ibat iba palang uri ng tula at ilan sa mga ito ay ang sumusunod.Ang Elehiya ay tulang liriko naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay .Ang Dalit naman ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig sa bawat taludtud sa bawat saknong at may isahang tugmaan at  ang Oda ay pandamdamin na pumupuri sa isang dakilang gawain ng tao.

Repleksyon para sa ika-limang linggo ng aming talakayan

              Ngayong  ay ang ika-limang linggo ng  aming tinalakay sa Asignaturang Flipino .Para sa linggong ito,aming muling tinalakay ang Parabula ng Banga upang mas lalong mabigyang linaw ang bawat isa lalo na yung mga wala ng araw na tinalakay ito.Nagkaroon din kami ng pagsusulit patungkol sa Metaporikal. Ang Metaporikal ay ang pagbibigay ng kahulugan maliban sa literal nitong kahulugan ..Bilang Indibidwal naming Gawain,kinakailangan naming lumikha ng sariling parabula patungkol sa mga kagamitan sa paaralan partikular na sa mga estudyante .
                Kaugnay nito,aming tinalakay ang Elehiya  sa kamatayan ng aking kapatid na isinalin sa Filipino ni Teresita F. Laxima.Ito ay patungkol sa kanyang kuya na namatay dahil sa sakit na dapat sana’y hindi pa mangyayari dahil hindi pa panahon,marami pa itong panagarap na kailangang gawin at pagmamahal na hindi pa naipapadama  sa kanya ngunit kailanman ay hindi na matutupad at mangyayari. Kaya’t aking natutunan sa Elehiyang ito na kug may nais kang iparamdam sa iyong mga mahal sa buhay ay iparamdam o gawin muna dahil hindi natin alam kung ano ba ang mga susunod na mangyayari .

Repleksyon para sa ika-apat ng linggo ng Ikatlong Markahan

            Ngayon ay ang ika-apat na linggo ng aming talakayan sa Assignaturang Filipino.Sa linggong ito umikot ang aming talakayan patungkol sa Parabula at iba't ibang akda na may kaugnayan dito.Ang Parabula ay nagsasaad ng ng dalawang bagay na maaaring tao,hayop o bagay.,halimbawa ng Parabula ay ang iba't ibang uri ng talinghaga.Ang Talinghaga ay pagnugnusap,parirala o isang sanaysay na may malalim o hindi tuwirang katuturan na kinakailangang pag isipang mabuti upang maunawaan.Ilan sa halimbawa ng talinghaga na aming tinalakay para sa linggong ito ay ang manggagawa  ng ubasan(Mateo 20:1-16 ) na hango sa Bagong Tipan.Upang malaman kung amin itong lubusang naintindihan ay nagbigay si Gng.Mixto ng Pangkatang Gawain patungkol dito.Ang among gagawin sa aming pangkatang gawain ay aming ibibigay ang literal na kahulugan,simbolo at espirituwal na kahulugan sa bawat salita na ibinigay na may kaugnayan sa aming binasang akda.Ako'y natutuwa dahhil ang aming Pangkat ang nakakuha ng mataas na puntos (Pangkat 2).Isa pa sa aming binasa ay ang  Parabula ng Banga.Para sa linggong ito,natutunan ko ang pagakaiba ng Pabula sa Parabula.Kapag sinasabing Pabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng hayop,samantalang kapag sinabing Parabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng tao at kadalasang hango sa Bibliya.

IKATLONG LINGGONG:PAGBABALIK -ARAL

Ngayong linggo dumako kami sa panibagong aralin. Unang ipinahanap sa amin ang parabulang "Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan”

(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) . Ang parabulang ito ay tumatalakay sa isang may-ari ng ubasan na kumuha ng mga manggagawa sa iba't-ibang oras at binayaran sila ng pantay-pantay na siyang ikinagalit ng ilang naunang nagtrabaho. Bago namin tuluyan itong talakayin amin munang inalam ang kaligirang pangkasaysayan ng parabula. Aking natutunan na ang mga parabula ay  nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin? Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao. Amin ding binigyang kahulugan ayon sa literal, simbolo, at espiritwal ang ilang salitang upang mas lalo naming maunawaan ang parabulang binasa, at mabigyang gabay kami sa pagbibigay kahulugan sa susunod pang mga parabula.

  IKALAWANGLINGGONG:PAGBABALIK -ARAL

                                                                       PAGHAHAMBING.

           Ngayong Linggong ito ay wala si Gng. Mixto para kami ay turuan. Bilang kapalit ay si Bb. Basbas ang nagturo sa amin, Sa kasamaang palad ay masakit ang lalamunan ni Bb. Basbas kaya't si Trixie, aking kaklase, ang naging katuwang ni Bb.Basbas para turuan kami.
          
           Pinag-aralan namin ang Paghahambing. Malalaman natin kung ano ang pinagka-iba at pinagka-parehas ng dalawang bagay,tao,hayop o kung ano pa man.Kadalasan inihahambing ang katangian ng dalawang magkaibang bagay. Ito'y ginagamitan ng mga salitang panghambing katulad na lamang ng wangis/kawangis, hawig/kahawig, gaya, tulad, mukha/kamukha, sing, magkasing, kasing. Ang mga salitang nabanggit ay nakapaloob sa Pahambing na magkatulad samantalang ang mga salitang ginagamit naman sa Paghahambing na di magkatulad ay ang mga higit, labis, di-hamak, di-gaano at marami pang iba.        
          Binigyan rin kami ng Pagsasanay ni Bb. Basbas para alamin ang aming mga natutunan. Kami'y pinagawa ng isang pangkatang gawain. Pinagawa rin kami ng isang pagsasanay kung saan ay paghahambingin namin ang dating Pangulong sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo. Yan ang aming natapos sa loon ng isang linggong talakayan. 
                                                                   
      Pagbabalik aral:unang linggo
                                                     
                                         Epiko (Rama at Sita)