Sunday, March 15, 2015






    IKAWALONG LINGGO


                      MAGANDANG BUHAY:)


                 Hirap,pagod,at puyat ang aking sinapit ng 3 araw sa pag -aaral para sa paghahanda sa aming  nalalapit na pagsusulit na 2 araw para sa ikaapat na markahan.Ito ay ginanap nung Lunes at Martes .  Maraming nangyare sa Linggong ito lalo na sa talakayan naminsa aming asignaturang Filipino.Ngunit bago yan si Gng. Mixto ay nag iawan ng ilang katanungan mga sumusunod.


  • Paano ba maipapakita ang tunay na pagmamahal?
  • Bakitsinisimbolo ni Maria Clara ang isang katangian ng isang tunay na pilipina gayong sa nobela siya ay nilalarawan bilang mahinang babae?
  • Masasabi bang si Sisa ay isang ulirang ina at asaa?bakit?
     Pagkatapos ibigay yun nagbigay sya ng pangkatang gawain at ang napili ng aming pangkat ay ang paglika ng isang tula tungkol sa pagmamahal .Ito'y ipapakita rin namin bukas sa talakayan at unang bibigyang pansin ng lahat.Ang lahat ng ito ay may kaugnayan kay Maria Clara kung dapat nga ba syang ituring na babaing Pilipina gayung sa nobela ay siya'y mahinang babae lamang.Yun lamang po sa huling Linggo ng aming talakayan.

Wednesday, March 11, 2015






IKALIMANG LINGGO





       MAGANDANG BUHAY:)



               Ngayong linggo , tinalakay namin ang mga mahahalagang  pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra . Kung kaya’t ang bawat pangkat ay naatasan na iulat ang mga mahahalagang pangyayaring ito . Sa pangkat isa sila’y naatasan na iulat ang mga banta sa buhay ni Crisostomo . Sa pangkat dalawa naman , si Crisostomo bilang isang anak sa kanyang ama . At sa pangkat tatlo ay tungkol naman sa buhay pag-ibig ni Ibarra . At ang huli ang pangkat apat . Sila’y naatasan na iulat ang mga pangyayari mula nung dumating si Crisostomo mula sa Europa .
               Nung Martes ang pangkat tatlo at apat ang nag-ulat . At nung Miyerkules naman ay walang naganap na pag-uulat .  Sapagkat nanood kami  ng Bonifacio ang unang pangulo . Dahil ang palabas na ito ay may kaugnayan sa contest para sa Umalohokan .  Kung kaya’t nung Biyernes itinuloy na ang pag-uulat ng pangkat isa at dalawa .
              At bago matapos ang klase , ay naiwan sa amin ang katanungang “ mangingibig o biktima lamang talaga si Crisostomo ng pagkakataon ? “ . At hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ito nasasagot .






Ikaapat na Linggo


     MAGANDANG BUHAY:)


Masaya ang buong masaya ang lahat ng naging pangyayari sa buhay ko lalo na ang mga magagandang bagay na dumating sa Linggong ito. Mula naman sa aming mga tinalakay sa Linggong ito mas binigyang pansin namin ang bawat kabanata na may kinalaman kay Crisostomo Ibarra at mga dahilan kung bakit sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.Gayun din sa Linggong ito ikina siya ng aming guro sa Filipino na si Gng .Mixto ang pagkakaroon ng isang informance kung saan nakita ang mga pangunahing tauhan na sa nobelang ito.Isa pa sa giawa namin ang pagkakaroon ng pangkatang gawain kung saan mas mapapadali ang mga gawain namin at maunawaan pa ng mas maayos ang bawat pangyayare sa loob ng nobelang ito.Kung kayat mas naingganyo ako sa mga talakayan namin sa asignaturang ito.
 

Thursday, March 5, 2015





Ikaapat na Markahan, Ikatlong Linggo ( Enero 27-30, 2015)






                           MAGANDANG  BUHAY:)

           Ikatlong Linggo na ng aking blog.Masyado akong nalulungkot sapagkat ang babaing aking lihim na hinahangaan ay wala ng isang Linggo kaya hinde ako mapalagay sapagkat nag aalala ako sa kanyang kalagayan .Alam kong okey lang sya pero labis ang aking pagkasabik:(.Sana ganun din sya kasi alam kong hinde pa nya alam ang aking nararamdaman para sa akanya ...Ganumpaman sa buong Linggong ito nagturo si Ginoong Mixto kapalit ng kanyang asawa na si Gng. Mixto .Sa Linggong ito muling binigyan pansin ang mga pangunahing tauhan para sa ikauunawa namin sa akda.Binigyang diin din ang mga sinisimbola ng bawat tauhan sa loob ng nobela kung saan hinangaan ko ng lubos ang ipinakitang angking galing pagdatring sa pagbibigay payo nya kay Crisostomo Ibarra lalo na sa mga hakbang na kanyang gagawin.Kung ako papipiliin ng paboritong tauhan sya ang aking pipiliin.





Ikaapat na Markahan, Ikalawang Linggo ( Enero 21-23, 2015)



                        
                          MAGANDANG BUHAY:)

            Isang Linggo nanaman ang lumipas.Masyado akong napagod sa mga bagay bagay tulad ng mga gawaing pang paaralan at tahanan.Maiba tau sa Linggong ito kung napagod ako napalitan naman ito ng saya sapagkat may isang magandang balita ang dumating sa araw na ito.Tungkol naman sa mga tinalakay namin Linggong ito ay patungkol lahat sa dahilan kung bakit sinulat ni DR.JOSE P.RIZAL  ang Noli Me Tangere .Bilang isang mag aaral mas nakilala ko ng lubusan ang ating pambansang bayani sa akda niyang sinulat .Lalo akong nagkaroon ng interes na basahiun ito sapagkat may mga pangunahing dahilan sya kung bakit nya ito isinulat,isinulat nya ito para mamulat ang mga pilipino na dapat hinde tau nagpapaapi sa ating sariling bayan at wag maging sunod sunuran sa mga dayuhan ..Sinabi di ng aming guro sa Filipino na ang akdang ito ay hinde naluluma sapagkata pahanggang ngaun ay pinag aaralan sya at binabasa .Sa totoo lang noong makita ko ang babasahing ito ay tinatamad ako ngunit nang banggitin na ang mga tauhan at mga sinisimbolo nila ay nahimok ako na bsain ito at sa ganun din ay makabisado ang ilang mga pangyayari sa loob ng akda para kapag nagtanung ang aming guro ay may masasagot ako kahit papaano.Sadyang naaliw ako kahit nagsisimula palamang kami sa mga kabanatang may kinalaman sa aming pangunahng tauhan na si Crisostomo Ibarra.Sana ay mas kapanapanabik pa ang mag susunod na kabanata na aming babasahin:)Yun lamang po at maraming salamat.      

                                             Magandang Buhay!!!!!




Ikaapat na Markahan, Unang Linggo (Enero 13-17, 2015)






    MAGANDANG BUHAY SA LAHAT:)


                                                  Isang Linggo nanaman ang nakalipas sadyang kaybilis ng panahon no..Kasabay din nito ang nalalapit na pagtatapos ng aking ikasiyam na baitang ,maiba tau gusto kung bigyan pansin sa Linggong ito ang mga naunang nangyare sa aming klase sa asignaturang FILIPNO .Maagang pumasok sa aming silid aralan ang aming guro na si Gng .Marvilyn B. Mixto.Ang unang linggong ito ay hindi pa gaanong abala kaming mga mag aaral ng Antimony . Ibinigay sa amin ni Gng. Mixto ang mga proyektong gagawin namin para sa markahang ito. Una itong ibinibigay ng aming guro upang mabigyan kami ng mahabang oras para mabigyan namin iyo ng pansin at panahon. .Ito  ay nakatuon hindi lamang sa kaalaman kung hindi sa mga kasanayan sa paggawa ng mga produkto. Ilan lamang sa mga ito ay ang paggawa ng movie trailer, short film, commercial at marami pang iba.. EDIWOW!Sabi ko nga sa aming klase na bago kami makapagtapos sa ikasampong taon ay malamang ay artista na kami sa dami dami na nang aming nagawang trailer at mga film na kung saan may mga kamag aral ako na mgagaling pagdating sa pag arte at pag eedit ng mga ganitong gawain.Sadya nga namang matatlino at talentado ang aming pangkat hinde sa pagmamayabang kahit maraming nagaglit sa amin hinde namin sila iniintinde para sa amin hinde kami magpapaapekto sa mga ganung bagay :) Sapat na sa amin na nagmamahalan kami at pinapahalaahan namin ang bawat isa:).Sana makayanan pa namin ang mga susunod pang mga Linggo.Yun lamang po ang mga kaganapan sa unang linggo namin.
                                                        


                                               Muli Magandang Buhay!!!!!!!!

Wednesday, January 14, 2015

      
                       
                                      


                                    RAMA AT SITA  
                                ( EPIKO NG MGA HINDU)

                                  

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.  “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “ Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.  Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “ Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.  “Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi  masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.  Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!” 

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. « Hindi, kailangan kitang bantayan,”sabi nito.Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.”sabi nitokay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.  Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana.“ bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!  Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.  Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.  Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka.Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.”,Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.  Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.  Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

 https://m.facebook.com/notes/msjhen-pitoy/rama-at-sita-isang-kabanata-epiko-hindu-india-isinalin-sa-filipino-ni-rene-o-vil/919071248120515/

                                      lehiya sa Kamatayan ng Aking Kapatid

                      

  
 Hindi pa panahon! 
 Sa gulang na dalawampu't isa, na punong-puno ng buhay.
Malungkot niyang paglalakbay, ngayo'y hindi na matanaw.
Panganay na anak, taglay ang hindi na mabilang na pangarap.
Sa gitna ng di natupad na pangarap at di naipadamang pag-ibig.
Natapos na ang burol.
Sa gitna ng makulimlim na panahon.
Paniwalaa't dili, may pagkabagabag at panghihinayang.

Ano ang tanging naiwan
Nakakuwadradong mga larawang-guhit, poster at kinunang larawan.
Aklat, talaarawan at mga damit.
Wala nang dapat pang ayusin,
Isang ulilang teheras.
Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na kapalaran.
Ang maamong mukha, ang malamyos na tinig.
Ang matinis na halakhak,
Mga ligayang di-malilimot.

Patuloy ang pagdarasal
Kasama ang pagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang walang hanggang pagpapahinga
Mula sa di mabilang na mga taon ng paghihirap
Sa pagtuklas ng karunungan naging mailap,
Sa paghanap ng magbibigay-katuparan sa pinakamimithing edukasyon,
Luha'y natuyo, lakas ay pumanaw.
Ano ang kinahantungan
Ang hiram na buhay, tuluyang nawala!

Pema, ang imortal na pangalan.
Mula sa nilisang nangungulilang tahanan
Walang naiwan, ni imahe, ni anino, ni katawan!
Balana'y nagluksa at nagsisiyukod,
Maging pananim ay kumakaway ng pamamaalam, ang tag-araw tahimik na tumatangis.
Ganoon din ang lahat ng nag-alay ng dakilang pagmamahal,
Ang isang anak ng aking ina, kailanma'y hindi na masisilayan pa
Ang katuparan ng minimithing pangarap!

http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/12/elihiya-sa-kamatayan-ng-aking-kapatid.html




                    KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN 
                                           Amado V.  Hernandez
 
Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,
 
Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!
 
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
 
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
 
May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
              At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!